Monday, November 1, 2010

NEGOSYONG WALANG LUGI

Maaaring ikaw ay katulad ko na nahihirapan na pagkasyahin ang buwanang sahod para sa mga gastusin ng pamilya at sa sarili – dala ito sa pagtaas ng mga bilihin sa merkado, matrikula, pamasahe at sa iba pang gastusin. Kaya hindi malayong maka-isip ka ng isang alternatibong pagkakakitaan na makakadagdag sa iyong buwanang kita. Maaari na ito ay isang negosyo na nalilinya sa Network Marketing katulad sa ibabahagi ko sa iyo, Igan. 

Anong Negosyo Ito?

Ito ay patungkol sa DXN International Marketing na ang kaniyang produkto ay iba sa pangkaraniwang produkto na mabibili ng publiko sa tindahan at mga pamilihan. Sila ay gawa sa natural (organic) na paraan at mabibili sila sa sariling DXN product centers na matatagpuan sa mahigit na 120 bansa sa pamamagitan ng mga DXN distributors sa halagang retail.

Ang dahilan nito ay upang maiwasan ang tinatawag na “middlemen” – katulad ng mga retailers at ahente na nasa gitna ng mga pabrika at ng mga consumers. Sila ay nagpapatong ng presyo na mas-mataas sa presyong itinalaga ng pabrika sa kaniyang mga produkto bago sila dalhin sa merkado. Ito ay magandang pagkakataon para sa mga taong tulad mo, Igan na nagbabalak magnegosyo bilang part time o full time.

Anong Klaseng mga Produkto Ito?

Ang mga produktong ito tulad ng food supplements, juices, beverages, cosmetics, personal care products, at marami pang iba ay imported mula sa Malaysia gawa sa natural na paraan at may sangkap na pinakamabisang halamang-gamot ang "Ganoderma Lucidum" o "Red Mushroom" na binansagang "King of Herbs" na mula sa 6 na species ng Gano: ang Peacock gano, Kimshen gano, Liver gano, Brain gano, Heart gano at Ruyi gano, at kinikilala sa buong mundo na nakakatulong sa panloob at panlabas na kalusugan ng isang taong gagamit nito, matanda man o bata, lalaki man o babae.

Bagama't gawa sila sa natural na paraan na ginamit ang mga halamang sangkap at may katangiang makakatulong sa mga suliraning pangkalusugan ng isang tao, sila ay hindi nabibilang sa kategorya ng "medicinal drugs". Ang mga halaman o herbal ay napatunayan na na nakapagpapalakas ng ating mga "trillions of cells", nagbibigay ng resistansya sa ating mga organs kasama na rin ang panlabas nating kaanyuan at nakakatulong para palabasin ang mga "toxins" na pumapasok sa ating katawan na nakukuha sa pagkain, tubig at hangin.

Sa unang bahagi ay ating tinalakay ang patungkol sa negosyong DXN. At atin din napagtanto ang iba't-ibang klaseng produkto at ang kaniyang kaibahan sa mga produktong nabibili sa mga grocery at mga pamilihan. Mga produktong gawa sa natural na paraan na ginamit ang pinakamabisang halamang-gamot- ang DXN "Ganoderma Lucidum" na binansagang "King of Herbs" na kinilala sa buong mundo na nakakatulong upang palakasin ang ating "immune system" at nakakatulong upang mapalabas ang mga "toxins" na pumasok sa ating katawan na mula sa pagkain, tubig at hangin. Ngayon tanong ko Igan:

Bakit Negosyong DXN? Ano ang Maganda sa Negosyong Ito?

Una - sa DXN mababa ang labor costs. Ang mga DXN distributors ay hindi na kailangan na mag employ pa ng ibang tao para patakbuhin ang kanilang negosyo. Sila ay may business patners o mga downlines na nagtutulong-tulong sa distribution, pagbili at pag-gamit ng produkto at kumikilos upang iparating sa mga target consumers.

Pangalawa - mababa ang overhead nito pagdating sa maintenance para sa mga DXN distributors na may gustong e-market ang DXN products online. At malayang maipaparating sa mga taong nangangailangan nito saan mang sulok ng mundo.

Pangatlo - Unique at Universal ang mga produkto nito. May sarili itong taniman para sa pagbuhay at pagpapalaki ng matataas na uri ng Ganoderma Lucidum. May sariling pabrika ito para sa productions ng kaniyang mga produkto. At sa pamamagitan ng mga product centers sa iba't-ibang bahagi ng mundo ang kaniyang mga produkto ay nakakarating sa mga consumers sa pamamagitan ng mga DXN distributors.

Pang-apat - sa DXN hindi kailangan na magpakahirap ang isang DXN distributor sa pag-imbentaryo ng kanyang goods, hindi niya kailangan na mag stock ng maraming goods. Bukas sa kaniya ang mga product centers. Ang kompanya ay may itinalagang mga tao sa bawat product centers para imonitor ang pagpasok at paglabas ng mga produkto nito.

Pang-lima - ang negosyong DXN ay madadala ng isang DXN distributor saan mang bahagi ng mundo siya ay magpunta - gamit ang kaniyang DXN International ID dahil ito ay kinikilala sa mga bansang may DXN.

Pang-anim - sa DXN makakatipid ang isang DXN member/distributor sa kaniyang buwanang gastos sa mga produktong kailangan niya sa araw-araw na kunsumo.

Hindi katulad ng isang "regular consumer" na bumibili sa "supermarket" o "grocery store" ay walang tinatanggap na "reward" bagama't siya ay loyal na bumibili ng mga produktong gawa ng ibang kompanya. Ang isa pang problema dito ay ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang isang Pilipinong manggagawa ay nahihirapan pagkasyahin ang kaniyang buwanang sahod.

Pang-pito - sa DXN habang patuloy na bumibili at kumukunsumo ang isang distributor ng kaniyang mga produkto ay pababa naman nang pababa ang presyo nito dahil sa ibinibigay na "cash rebates".

At darating ang panahon na ang kaniyang buwanang pangsariling konsumong DXN products ay magiging libre na dahil din sa mga taong kaniyang tinulungan at naanyayahan na maging miyembro rin. Kahit saan "product centers" sila bumili ang kanilang puntos na naipon ay magiging puntos rin niya.

Pang-walo - ang DXN Marketing ay tahasang sumusuporta at umaalalay sa lahat ng kaniyang mga members/distributors sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seminars at leadership trainings na walang bayad.

Pang-siyam - napakaginhawa kung ang isang mamimili ay isang miyembro dahil siya ay makakabili ng produkto nito direkta kahit saang "product centers" sa iba't-ibang bahagi ng mundo – may diskwento na siya, may sukli pa! Bibigyan siya ng diskwento at may puntos pa na ilalagay sa kaniyang DXN Account Number na makakatulong upang lumaki at magkaroon pa siya ng "cash rebates".

Pang-sampu - mula sa maliit na puhunan ay makakapagsimula na sa negosyong DXN at ito ay tuloy-tuloy dahil hangga't may nabubuhay na tao, na gumagamit ng mga produktong DXN, ang DXN Marketing ay laging nandiyan kasama ang mga distributors na magtatamasa sa panghabambuhay na diskuwento sa mga produkto, puntos sa mga binibiling produkto, "cash rebates", negosyo, investment, edukasyon at maraming-maraming kaibigan lokal man o pandaigdigan.

Sa una at sa pangalawang yugto na ating pinagu-usapan Igan, patungkol sa negosyong DXN ay ating napag-alam-an na mayroon palang kompanyang naiiba kompara sa ibang kompanya na bukas tumulong sa mga taong may pangarap na matupad ang kanilang mga ina-adhika na kayang ibigay sa pamamagitan ng kaniyang mga produktong pangkalusugan na pagkakakitaan ng mga taong katulad mo at ng iba pa na magbabalak na magnegosyo nito. At nalaman din natin ang iba't-ibang dahilan o mga rason kung bakit ang negosyong DXN ay dapat papasukin sa iyong puso at isipan.

Sino ang Puwede Magmember? Magkano ang Cash Out Nito?

Igan sa negosyong DXN degree holder kaman o hindi, anuman ang hawak mong profession bukas ang DXN para sa iyo. Ang mahalaga dito ay sipag at pagpupunyagi at may kakayahan kang magkuwento upang iparating at ipa-alam sa kapwa mo ang magandang balita patungkol sa negosyong DXN – ang mga produkto nito sa iyong kapwa: mga kamag-anak-an, pamilya at mga kaibigan.

Ang negosyong DXN ay bukas para sa mga tao na ang edad ay higit 18 taon gulang at kahit sinong lahi, lalake man o babae, estudyante man o may trabaho. Sa mga taong naghahangad na laging malusog, handang tumulong sa iba para sa kanilang kalusugan, interesado na maging bahagi nitong global business opportunity, may mga pangarap sa buhay, masayahin, pala-ibig-an, bukas ang isip at positibo kung mag-isip, may sariling palo, naghahanda para sa kaniyang retirement plan at naghahangad na magkaroon ng financial freedom.

At sa halagang SR.825 para sa executive kit na may libreng 13 products at suma-total na 300 na puntos na kasama ang DXN ID Card, Product catalogue at napakagandang DXN travelling bag, DXN Sign pen at Key chain at may 9% level of group bonus ay puwede na magsimula sa negosyong DXN.

O kaya naman puwede rin ang Starter kit na may libreng 9 products at suma –total na 100 puntos at 6% level of group bonus sa halagang SR.310 puwede na magsimula sa DXN negosyo - iyon ay pagkatapos mag sign-up sa application form kung saan isusulat niya ang pangalan at ID number ng nag-imbita sa kaniya na DXN distributor.

Ang nasabing halaga ay para lamang sa Saudi Arabia.

Ngayon aalamin natin kung Ano ang Marketing Plan ng DXN. Bakit mahalaga ito na malaman mo, Igan? Ito ba ay magbibigay liwanag sa iyo para iyong yakapin at mahalin ang negosyong DXN?
Alam mo ba Igan na ang DXN Marketing ay nagi-isang kompanya sa mundo na may ganitong konsepto:Isang Mundo na may Isang Kompanya at may Isang Merkado!

Ang DXN Marketing ay laganap na sa mundo sa pamamagitan ng kaniyang mga product centers lahat ng kaniyang mga produkto ay mabibili ng publiko sa pamamagitan ng kaniyang mga distributors.At lahat ng kaniyang mga produkto ay sariling gawa ng kaniyang sariling pabrika. Parang nakikita mo na na ito ay isang heganteng kompanya na kayang suportahan ng kaniyang mga produkto ang lahat ng taong nangangailangan nito mapa lokal man o pandaigdigan.

Ang membership ng isang distributor ay isang beses lamang gagawin at siya ay entitled na na magkaroon ng kaniyang network ng DXN consumers at members mapa lokal man o pandaigdigan. Pati na rin ang mga points ng produkto na binibili ng naka-network sa kaniya sa ibang bansa ay papasok din sa kaniya.

Kaya hindi na kailangan na siya ay magpunta sa ibang bansa para magDXN at kumita doon. Isinasama na ng DXN headquarter's office ang lahat ng kaniyang kita sa ibang bansa sa isang tseke kalakip ang kaniyang monthly statement na magpapakita ng kaniyang sales volume at income all over the world. Hindi na rin niya kailangan na bumili o magmaintain ng points sa iba't-ibang bansa para ma-qualify sa international bonuses. Isang beses lang siya mag-maintain ay sakop niya na ang buong mundo sa kitaan sa DXN. Kakaiba ito, Igan. Kaya pag-isipan mo ito ngayon, Igan.

Ito ngayon Igan ang pinakamasarap na bahagi ng ating pagu-usap, dahil dito mo ngayon masusubok kung ano ang kakayahan mo para patakbuhin ang isang negosyong tulad nitong 'Negosyong DXN'. Sa Negosyong ito marami at sari-saring estratehiya at mga paraan ang puwede mo gawin para umunlad ang negosyo.

Lahat tayo ay dumaan sa level na mahilig makipagkuwentuhan sa kapwa, sa mga kaibigan, kamag-anak-an at sa mga bagong kakilala. O di kaya sa tuwing may handaan o anumang okasyon na ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkakasama. Ang maririnig ay halakhakan at tawanan dahil parte sila ng kasiyahan.

Ano ang mga Paraan para Maging Maunlad ang Negosyong DXN?


Igan sa Negosyong DXN puwede mo pa rin gawin ang ganuong paraan. Ang pagkakaiba nga lang dito – habang ikaw ay nagkukuwento sa ibang tao patungkol sa mga produktong DXN iyon ay may kuwenta. Kaya tinawag ito na "kuwentong may kuwenta" may kukuwentahin ka pagkatapos ng kuwentuhan – iyon ay pera!


Isa sa pinakamabisang paraan para maka-engganyo ng mga mamimili ang isang DXN distributor ay ang paggamit ng "word of mouth marketing" sa paghikayat sa ibang tao na subukan ang mga produkto na na-i-rekomenda na ng kani-kanilang kaibigan, miyembro man o hindi, na nakasubok na ng produktong DXN at napatunayang maganda ito para sa kaniyang kalusugan.

Ang paraan na ito ay tinatawag din na "referral marketing", "network marketing", "MLM (Multi Level Marketing)" kung saan ay nagkakaroon ng diskwento, benepisyong pam-pinansyal at marami pang karagdagang insentibo para sa mga miyembro at sa mga magbabalak na magmember sa DXN.

Ang stratehiyang MLM (Multi Level Marketing) ay offered na as a masteral degree sa mga universities ng Singapore. Sa Pilipinas ito ay offered as course ng La Salle University. Samantala sa DXN International ito ay aktuwal na na ginagawa ng mga DXN distributors sa negosyong DXN.

At para maging maunlad lalo ang negosyong DXN, ang isang distributor ay dapat bigyan ng sapat na oras at panahon ang negosyo. Gamitin niya ang mga produkto. Huwag tamarin sa pagkukuwento sa ibang tao o mga target consumers at sa mga taong may gusto rin na maging DXN partners patungkol sa mga produktong pangkalusugan. Buhayin ang kaniyang network. Diligan, alagaan at arugain ang kaniyang ipinunla para ito ay mabuhay ng maayos, lumago at mamunga!

Ngayon ang tatalakayin natin Igan ay kung saan nagmula ang Negosyong DXN? Sino ang nasa likod nito? Papaano nagsimula ito at bakit ganuon na lamang ang kaniyang adhikain at pagmamalasakit na makatulong sa mga tao – sa kanilang kalusugan at pangkabuhayan? Mahalaga ito sa iyo at sa ibang taong nagnanais na maging bahagi sa Negosyong DXN.

Papaano, Kailan at Saan Nagsimula ang DXN? Kailan pumasok ito sa Saudi Arabia?

Ang DXN International ay nagsimula sa Malaysia sa taong 1993. Ang founder at CEO nito ay si Dato Dr. Lim Siow Jin. Bagama't siya ay isang Civil Engineer, nag-aral at nagtapos sa Indian Institute of Technology – ay Dato Dr. Lim Siow Jinkaniya pa rin ipinagpatuloy ang hilig niya nang siya ay bata pa sa paga-aral tungkol sa iba't-ibang klase ng Ganoderma at ang pakinabang sa kalusugan ng tao - na umabot ng higit sampung taon at pagkatapos noon ay kaniyang itinayo ang kompanyang DXN.

Dahil sa tagumpay ng kaniyang mga produkto, ang kaniyang kompanya ay lumawak sa pandaigdigang merkado dahil sa mga taong natutulungan nito sa pangkalusugan at sa pangkabuhayan.

Sa taong 1997, si Dato Dr. Lim ay kinilala at pinarangalan na PhD sa Holistic Medicine ng Indian Board of Alternative Medicines. At ang DXN ay nagtamo ng maraming karangalan hindi lang sa Malaysia pati sa ibang bansa.

Ang DXN ay mula sa salitang Malay na "Daxen" sa English ang ibig sabihin ay "integrity", "trusthworthy" at "honesty".

Ang DXN International Marketing ay pumasok sa Kaharian ng Saudi Arabia noong Nobyembre 2003. Sa kasalukuyan ang DXN Saudi ay may sampung product centers na at inaasahan na madadagdagan pa ito.

Sa mga interesado sa Negosyong DXN at para sa karagdagang info ay mangyari lang po ay sumulat sa aking email addresses (ppruel@yahoo.com, ppruel@gmail.com) o di kaya mag text, tumawag sa aking mobile No. +966533475056.

Hit Daxen and Becomes our Daxen Partner.




No comments:

Post a Comment