Sunday, November 7, 2010

Dahil Sa Pesteng Kagat Ng Lamok

Official seal of Municipality of Rosario

Image via Wikipedia

Sa iba’t-ibang internet forums ay naging paksa sa talakayan ng mga OFWs ang tungkol sa mga tanong: Kung ito ba ay pakikinabangan ng mga OFWs at kanilang mga dependents? Marami sa mga OFWs ang nagsabi na walang pakinabang.

Dati ang isang OFW bago pumunta sa ibayong-dagat ay nagbabayad sa POEA para sa OWWA Medicare na nagkakahalaga ng 900 pesos para sa isang taong membership. At ang kaniyang dependent o mga dependents ay mabibigyan ng discounts sa mga gastos sa hospitals na accredited ng OWWA kung sila (dependents) ay may hawak na kopya ng OWWA Medicare Certificate mula sa papaalis na OFW.

Maliban sa OWWA Medicare, mayroon din SSS Medicare noon at ang buwanang premium ay 75 pesos na kasamang binabayaran kung ang isang SSS member ay nagbabayad ng kaniyang monthly contribution. Ngunit tumaas ang premium na 100 pesos ang isang buwan o 1,200 pesos sa isang taon, nang ang SSS Medicare ay naging PhilHealth noong 1999.

Dahil ako ay dating SSS Medicare member, mula 2000 hanggang 2006, ang bawat taon na aking binabayaran ay 1,200 pesos sa PhilHealth. Nang aking hingan ng paliwanag ang PhilHealth collecting office sa Trece Martirez City, Cavite, dahil ako’y nakatira noon sa Cavite, kung bakit nagtaas ang premium mula 75 pesos ay naging 100 pesos na, ang sagot nila sa akin ay wala raw akong magagawa kung hindi ang sang-ayunan ang pagtaas ng monthly premium. Naitanong ko rin sa kanila kung ang aking mga dependents sa dati kong SSS Medicare ay sila parin ang legal kong mga dependents sa PhilHealth ang sagot ay sila pa rin - kung maipapakita ko ang mga dokumento tungkol dito.

Ito ay mahalaga para sa mga PhilHealth members. Kung kayo ay bagong member at nagbayad ng 900 pesos sa POEA, iyon ay hindi nangangahulugan na ang inyong asawa, mga anak o magulang at iba pa na miyembro ng inyong pamilya ay mga legal na ninyong dependents. Sila ay magiging legal na inyong dependents kung kayo (OFWs) ay nakipag-ugnayan sa Philhealth at ipinakita ang mga dokumentong kailangan nito at ang inyong mga dependents ay nakasama na sa masterlist ng PhilHealth Data Base. Ang mga kailangang dokumento ay ang mga sumusunod:

1) Marriage Contract – kung ikaw ay may asawa, (2) Birth Certificates ng inyong mga  anak – Maganda kung ang mga ito ay manggagaling sa NSO (3) Kopya ng inyong passport (4) Patotoo ninyo na ang inyong mga dependents ay malusog sa date of application sa PhilHealth.

Kung ikaw ay single pa ang mga dokumentong kailangan ng PhilHealth para sa inyong mga dependents ay sertipiko ng kapanganakan: ng nanay, tatay, kapatid o pamangkin at kopya ng iyong passport at patotoo ninyo na ang inyong mga dependents ay malusog sa date of application sa PhilHealth. Ito ay ayon sa lahat na aking ipinakita sa PhilHealth noon. Mahalaga na makipag-ugnayan kayo sa PhilHealth, sa sulat o email. Ang website nito ay makikita sa (http://www.philhealth.gov.ph)

Noong Febrero 2007, bago ako bumalik sa Saudi nagbayad ako sa POEA para sa PhilHealth. Nabigla ako dahil ang 1,200 pesos na ibinabayad ko bawat taon ay naging 900 pesos na lamang. Ang kopya na binayaran ko kasama ang aking PhilHealth ID ay iniwan ko sa aking maybahay. Sa mahabang panahon ng pagiging PhilHealth member ko ay hindi pa ako at mga dependents nakikinabang dito.

Hanggang sa kasamaang palad ang panganay ko na 17 taong gulang na babae ay nakipagbuno kay kamatayan sa loob ng 7 araw sa Our Savior Hospital, Rosario , Cavite . At laking pasasalamat naming mag-anak nang sa pang-pitong araw ng aking anak sa kuwartong iyon ay masayang ibinalita ng doktor na siya ay fully recovered na.

Sa pitong araw na pamamalagi ng aking anak sa Savior Hospital ay umabot din ng 29, 470.50 pesos ang hospital bill kasama ang Professional Fee at Pedia Fee. Nguni’t ang binayaran lamang ng aking maybahay ay umabot lamang ng 21, 070.50 pesos. Ang 8, 400 pesos ay pumasok na PhilHealth deductions. Ito ang unang pagkakataon na napakinabangan ng aking dependent ang aking PhilHealth dahil sa pesteng kagat ng lamok!

Hit Daxen and Become our Daxen Partner.

 

Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment