Thursday, November 4, 2010

Lambing ni Inang Kalikasan

The beach and part of the reef of Bathala isla...

Image via Wikipedia

 

Dulot ng Pagmimina

 

'Di maipagkakaila na ako'y masaktan

Na makitang dinudurog ang kagubatan

Walang habag na winawasak ang kagandahan

Ng mga taong nagnanasa't uhaw sa aking yaman…

'Di sila titigil hangga't 'di makita ang ginto

O ang pagdaloy ng malapot kong dugo

At mawasak ang aking sinapupunan

Na tahanan ng mga nilikha ni Bathala!

 

Kapangyarihan ng Pera

 

Sa tuwing may sakuna

Laging sinisisi ay si Bathala…

Ang kalbuhin ang kagubatan

Iyon ba ay utos ng Maylikha?

'Di ba ito'y bunga ng kapangyarihan

Ng pera - diyos ng sangkatauhan!

 

Tao, Magbago Ka

 

Masarap mabuhay…

Paggising mo sa umaga

Ay malaya mong lalanghapin

Ang halimuyak ng kabukiran

Malaya mong tatanawin

Ang kulay berdeng mga dahon

Bigay nila'y buhay at pag-asa

Malaya mong lalanguyin at sisisirin

Ang malawak at malalim na karagatan

At malaya kang mamumuhay

Sa kandungan ni Inang Kalikasan na masaya!

Hit Daxen and Become our Daxen Partner.

No comments:

Post a Comment